Wednesday, April 28, 2010

Di lang ikaw


Pansin mo ba ang pagbabago
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila hindi na nananabik
Sa ‘yong yakap at halik

Sana’y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging malaya

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik

Maaring tama ka
Lumalamig ang pagsinta
Sana’y malaman mong ‘di ko sinasadya

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

BRIDGE:
Di hahayaang habang buhay kang saktan
Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging masaya
Sa yakap at sa piling ng iba

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Wednesday, April 14, 2010

Tired of microblogging.

Antagal na rin noong last update ko. Di ko alam. Parang wala na ko maisulat, wala na ko maisip na idagdag dito sa blogspot ko. Naging abala din kasi ako sa microblogging noong mga nakalipas na araw.

Microblogging is a web service that allows the subscriber to broadcast short messages to other subscribers of the service.









Naging adik ako sa plurk, lalo na siguro noong finals week. Sumunod sa formspring. Hindi rin mawawala iyong facebook. Pero hindi rin nagtagal. Nakakasawa na kasi. Nakakapagod na din.

Siguro nasanay na ko sa microblogging kaya hindi ko maayos iupdate ang blogspot ko. Pero babalik din ito magiging maayos din ang lahat.

Madami akong gusto ikuwento, pero nasabi ko na paunti-unti. Ayoko nang ulitin.
Nasabi ko na paisa-isa. Siguro tama na iyon.