Tuesday, January 26, 2010

bakit pa ako nag grade 1?

"Kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo, e bakit ka pa nag grade one?"

-Tuesday Vargas, The Sweet Life

Hindi masyadong maganda ang araw ko ngayon. Ngayon kasi binigay ang resulta ng exams namin sa tatlong subjects, hindi ako pasado sa dalawa. Iyong isa kaya pang habulin, iyong isa...hahabulin ko. Pramis.

Ito na nga siguro iyong hirap ng pagiging Engineering student? Pero hindi rin, kahit ano naman mahirap, sabi nga nila walang madaling kurso, nasa tao iyan. Nasa akin nga siguro iyong problema.

Sa daming kailangang gawin ng isang estudyante, sa daming kailangang ipasa na mga requirements, sa daming exams na dapat kuhanin at ipasa, minsan naiisip ko na magpahinga na lang, hanggang isip lang, hindi naman kasi tama, hindi lang pag-aaral ang buhay, isang parte lang, una pa lang.


Noong nakaraang linggo, marami akong napagtanto. Hindi lang sa pag-aaral, sa buhay. Nagpunta kami sa bahay ng kaibigan ko at marami akong natutunan. Habang pinapalipas namin ang oras, nagkukuwento ang lola niya. Tungkol sa pag-aaral, sa kanyang mga karanasan, sa tagumpay at mga pinagkakautangan. Marami siyang naibahagi pero ito ang tumatak sa akin, "Magtapos kayo ng pag-aaral. Kung akala ninyo mahirap mag-aral, hindi. Doon magkakabisa at magcocompute lang. Ang tunay na mahirap ay pagkatapos ng lahat nang iyon, kung paano mo iaapply sa trabaho at buhay mo ang mga pinag-aralan mo. Unang hakbang lang iyan."* Gusto ko pang makinig ng matagal pero lumalalim na ang gabi. Pero kahit sa sandali lang iyon marami akong natutunan.

Kaya nga ako nag grade 1 para magtapos ng pag-aaral e.



Ano ba naman ang humigit kumulang na 15 taon na pagtitiyaga at pagsasakripsyo kapalit ng magandang kinabukasan habang buhay.

Kaya ito!

*hindi ko maalala ung exact words. :D

sana minsan ako muna.

Siguro ipinanganak na akong ganito ang ugali. Gusto ko masaya lahat, kahit sa joke o sa simpleng pagsang-ayon ko. Kahit na nga minsan hindi na pabor sa akin ang kalalabasan. Hindi yata ako naturuang magsabi ng 'hindi'.




Noong nakaraang Biyernes, January 22, sa tingin ko mali lahat ng naging desisyon ko. Nakakainis. Di ko na gusto ang mga nangyayari.

Mag-aaply dapat ako ng dalawang org ngayon sem. Naipangako ko. Pero mukhang sisira ako sa pangako. Hindi ko na kasi kakayanin. Mali na naman ako. Wala kong kwenta.

Di ko na kasi alam kung may libre pa akong araw sa buwan ng Enero at Pebrero, napakaraming dapat gawin lalo na ang mga exams at requirements sa pag-aaral, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa kabila noon tanggap pa rin ako ng tanggap ng mga gagawin, oo pa rin ako ng oo sa mga nag-aaya. Kahit na alam ko na hindi ko na kayang panindigan ang mga sinasabi ko. Naiinis ako sa mga ganoong tao. Naiinis na ako sa sarili ko.

Sana bukas hindi na ako ito. Sana minsan hindi na ibang tao ang unahin ko. Sana minsan ako muna.

Thursday, January 14, 2010

maligayang kaarawan.

Happy birthday sa pinakamamahal naming ate. Happy birthday noong January 14.

Tumatanda ka na ate, pero wag ka munang mag-asawa ah. Hahaha.

Love you. <3

Tuesday, January 12, 2010

para kay Einstein*.

Magdadalawang taon pa lang nang magpaalam tayo sa isa't isa. Pero parang kay tagal na, namimiss na kita. Hindi na ako makapaghintay. Kailan kaya ulit tayo magkikita?

Ibang iba ka sa mga bago kong kaibigan, mas mahirap kang pakisamahan, pero sa iyo ako naging mas masaya at sa iyo ako mas maraming natutuhan. Apat na taon lang tayo nagkasama pero napalapit ka na sa aking puso. Apat na taon din iyon ng tawanan, payabangan, pataasan ng score, gala, sayawan, kantahan, kopyahan, asaran, apat na taong pagkakaibigan. Akala ko nga hindi ko kakayanin nang dumating na ang araw na kailangan na nating tahakin ang kanya-kanyang landas at maghiwalay. Pero wala naman tayong pagpipilian, iba kasi hilig mo sa hilig ko, iba ang pangarap mo sa pangarap ko. Hangad natin ang tagumpay ng bawat isa at alam natin na ang pamamaalam na iyon ay unang hakbang pa lang. Hanggang sa dulo nga nakangiti ka, tinitigan kita ng matagal at kinabisado ang iyong itsura. Hindi ko kasi alam kung kalian tayo muling magkikita.

Ang apat na taon na kasama kita ang pinakamasayang taon sa buhay ko. Hinding hindi ko malilimutan ang pinagsamahan natin, hinding hindi kita makakalimutan.

Salamat sa lahat, mahal kita.

Namimiss na kita, sana nasa mabuting kang kalagayan, sana pagtagpuin ulit ang landas nating dalawa.


 

*IV Einstein 08-09 MHPNHS

*hinahanap ko ang taong hindi siya. retold.

Hinahanap ko ang taong hindi siya. Pilit akong nagtatanong, naghihintay sa bawat isasagot niya. Ngunit sa totoo lang, ang hinihintay ko mula sa kanya ang mga sagot na nais kong marinig. Sumagot siya. Iba ang sagot niya, malayo sa inaasahan, sobrang malayo, hindi ko na kayang maabot. Kinukulit ko siya, pilit kong pinapaintindi na hindi ganoon iyon, hindi iyon ang tamang sagot … hindi iyon ang nais kong marinig.

Hindi ko alam kung bingi siya, mabagal, tanga, o sadyang hindi lang niya ako makuha, o baka naman iyon talaga ang sagot niya…iyon talaga siya.

Gusto kong maramdaman niya ang nararamdaman ko, pero hindi, iba ang naiisip niya sa iniisip ko, iba ang pagpapahalaga niya sa akin sa pagpapahalaga ko sa kanya. Magkaiba kami sa lahat ng bagay. Sobrang iba.

Ano ba ang gagawin ko? Hindi ko maisip ang gusto niya, hindi ko alam kung paanong pakikisama ang alam niya, hindi kami magkatagpo, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kakilala, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makakausap.

Pilit kong hinahanap ang taong gusto kong maging siya. Pero nakakatamad na, normal lang. Pilit siyang lumalayo sa dinidikta ko, hindi siya kumikibo sa pagpaparinig ko, hindi talaga siya ang taong iyon. Iba siya.

Bakit ko nga ba pinoproblema iyon? Siguro ako nga ang may mali, bakit ko ba siya hinahanap sa ibang paraan? Hamu na nga.

Hindi siya iyon.

Iba siya, iba iyon.


 

*Gusto kong magdagdag at magbawas sa gawa kong ito, parang gusto kong baguhin ngunit wala na talaga kong maisip, lumipas na kasi, wala na akong nararamdaman. Pero bilang hiniling ni ate milka, pilit kong inalala at ipost ito.

Sunday, January 10, 2010

overnight.

Bakit ganoon, isang gabi lang, iba na nararamdaman ko.

Akala ko masaya, hindi naman pala.

Pakyu.

Friday, January 8, 2010

i lost my phone. yay.

Di ko alam kung mababasa niya ito, pero magpapasalamat lang ako.


January 8, kung di lang ako isang malaking 'T' at kalahati, naiwan ko ang cellphone ko sa cr ng gym. Nakaligtaan ko pagkatapos kong magbihis ng PE uniform. Matagal na noong naalala ko. Naiinis talaga ako sa sarili ko.

Ngayon lang ako nawalan ng phone at unang sim ko pa iyon, mahalaga sa akin iyon. Di ko alam kung bakit ko naiwan, siguro kampante ako na hindi ko iyon mawawala. Ilang ulit ko din binalak na hanapin sa bag ko ang phone para icheck kung may nagtext, pero lahat balak lang at hindi ko hinalungkat masyado dahil ang daming laman ng bag ko noong mga oras na iyon, nakakatamad maghanap. Isa pa masyado kong nalilibang, favorite ko na talaga ang PE simula noong practicals namin. Parang ayokong mag-isip ng ibang bagay pag PE na, kasi mahal na mahal ko. Ganoon tuloy ang nangyari.

May dahilan siguro kung bakit nawala ang phone ko. Pupunta dapat kasi akong debut ngayong araw at ittext pa lang ako kung saan ako hihintayin at gustong gusto ko talagang magpunta, pero kailangan kong mag-aral. Mag-aaral na lang tuloy ako, di na kasi nila ko maittxt. Siguro may itinuro lang sa akin, sa priorities ko.

Salamat.

Salamat sa iyo na nakasama ko sa buong oras. Kasalanan niya ito e, nilibang niya ko. haha. Salamat sa pagsama sa engg at pagpasa ng answer sheet sa onse. Sa BJ... at sa isa pang BJ. lol. Dalawa kasi binili namin. beh. At sa isaw sa Ricarte. Noong maalala ko na nawawala na talaga phone ko, nagpaload pa siya para matawagan iyong phone, sobrang naappreciate ko. Salamat. Tapos siya pa nagbayad ng ikot papuntang gym, nakakahiya talaga, pero salamat dun. Kahit pagod na pagod na kami sa kalalakad, sinamahan pa rin niya ako.

Bittersweet na araw. Masaya ako noong araw na iyon, kahit nawala iyong phone ko nalaman ko naman na sa Cagayan ako magbabakasyon ngayong summer. Gusto ko ng milk candy, chicharabao, at pancit batil patong? Sana tama. yay. Excited na ako. Pinayagan na din ako, tsaka sana sa tita mo din sa bataan. haha. Sisimulan ko na ding mag-ipon. yey.

Napatunayan ko na may dahilan sa bawat pangyayari. Salamat sa araw na ito. I lost my phone, kasi...

malandi! malandi! malandi!
mura! mura!
mahal! mahal! mahal! ---hahaha, kame lang makakaintindi nito. behlat!