-Tuesday Vargas, The Sweet Life
Hindi masyadong maganda ang araw ko ngayon. Ngayon kasi binigay ang resulta ng exams namin sa tatlong subjects, hindi ako pasado sa dalawa. Iyong isa kaya pang habulin, iyong isa...hahabulin ko. Pramis.
Ito na nga siguro iyong hirap ng pagiging Engineering student? Pero hindi rin, kahit ano naman mahirap, sabi nga nila walang madaling kurso, nasa tao iyan. Nasa akin nga siguro iyong problema.
Sa daming kailangang gawin ng isang estudyante, sa daming kailangang ipasa na mga requirements, sa daming exams na dapat kuhanin at ipasa, minsan naiisip ko na magpahinga na lang, hanggang isip lang, hindi naman kasi tama, hindi lang pag-aaral ang buhay, isang parte lang, una pa lang.
Noong nakaraang linggo, marami akong napagtanto. Hindi lang sa pag-aaral, sa buhay. Nagpunta kami sa bahay ng kaibigan ko at marami akong natutunan. Habang pinapalipas namin ang oras, nagkukuwento ang lola niya. Tungkol sa pag-aaral, sa kanyang mga karanasan, sa tagumpay at mga pinagkakautangan. Marami siyang naibahagi pero ito ang tumatak sa akin, "Magtapos kayo ng pag-aaral. Kung akala ninyo mahirap mag-aral, hindi. Doon magkakabisa at magcocompute lang. Ang tunay na mahirap ay pagkatapos ng lahat nang iyon, kung paano mo iaapply sa trabaho at buhay mo ang mga pinag-aralan mo. Unang hakbang lang iyan."* Gusto ko pang makinig ng matagal pero lumalalim na ang gabi. Pero kahit sa sandali lang iyon marami akong natutunan.
Kaya nga ako nag grade 1 para magtapos ng pag-aaral e.

Ano ba naman ang humigit kumulang na 15 taon na pagtitiyaga at pagsasakripsyo kapalit ng magandang kinabukasan habang buhay.
Kaya ito!
*hindi ko maalala ung exact words. :D
Salamat sa pagbabasa. :D
ReplyDeleteAt dahil kailangan kong grumaduate, magrereview na ako!
dapat walang quotation marks kung hindi lang din direct quotation. haha. everybody's changing now. nag-aaral na yata lahat. nagkakasakit tuloy lahat. :D
ReplyDeletefail yung theme mo! haha. ang hirap kaya magcomment. dapat maalam pa sa computer.
ReplyDeletee hindi ko maalala ung exact words, pero parang ganun din un. :)
ReplyDeletearal lang ng aral. hehe.
e aus na ean. kaya nga ko ngcomment para mkita? hehe