Tuesday, October 5, 2010

Happy Birthday Ditch!

Ditch! HUUUUUUUG.

**integrated ang talks ni Kuya Carlo at Kuya John Ben dito. hahahaha.

Salamat po.


Happy happy birthday ate Zhan! Dalawa na kayong 'ditch' na importante

sa buhay ko. Iyong isa, 'yong totoo ko ng kapatid. :)

Mahal kita. Mahal kita kahit madalas tayo magkatampuhan, kasi lagi mo

kong inaaway. :'( hahaha. Sorry sa times na itong mga tampuhan e

dumadating 'yong point na hindi kita pinapansin tapos may pagkakataon

pa sinadya ko talaga na saktan ka (once lang 'yon, madalas di lang

kita pinapansin diba? hahaha). Sorry na? Kaya nga sa talk ni Kuya

Carlo kung sino ang nakasakit ng tao intentionally, dalawang kamay

tinaas ko. :)) pero seryoso, sorry na. :( Sobrang nagsisisi ako kung

bakit ko ginawa 'yon tapos sa'yo pa. Tsk. Ang sama ko.

Sobrang thankful ako kay God kasi nagexist ka. When God made you maybe

he's thinking about me.

hahahaha> Biruin mo di ko akalain makakatagpo ako ng katulad mo sa

group natin, ikaw 'yon naiiba, parang ikaw lang 'yon nasa tamang way

tapos kami nagcocounterflow. Akala ko tuloy tama 'yong daan ko dati,

pero hindi pala. Salamat ate Zhan, dahil nag stop ka tinuro ang right

way, sinama mo ko sa way mo. Salamat sa pagpaparealize sa akin na

hindi porket madami ang gumagawa ng isang bagay, 'yon ang tama, hindi

porket ginagawa ng mga kaibigan mo dapat mo na rin gawin. Salamat kasi

isa ka sa major reason kung bakit im living my 2nd chance. Yes

naman. :D Salamat sa mga advices. Sabi mo dapat maexcite ako mag-aral

para maging masipag pero ayaw talaga. haha. Pero hamu ittry ko ulit

bukas. :))


Nalulungkot ako na isipin na gagraduate ka na, tapos hindi na tayo

regular na magkikita. Aww. Pero I can smile without you, kasi tinuruan

mo na ako kung paano. Ang sarap mo kasing kasama ang sarap makita ng

smile mo, nakakabuo ng araw at nakakagaan ng pakiramdam. Kaya lagi ka

lang mag smile at pag grumaduate ka na, lagi kang dadalaw ha at ikaw

na ang manlilibre! hahahaha. Yee.

Smile always ditch, stay blessed at bless other people. Continue

loving. :)


LOVE YOU. :))

0 comments:

Post a Comment