Saturday, September 3, 2011

And I, writing again.


Nito lang, nabasa ko ulit ang 20 questions ni Juan Ekis. Sabi ko pa naman dati sa sarili ko at sa ilang mga tao, pangarap kong makasulat ng kagaya noon o mas maganda, abangan nila. Akala ko kasi talaga may talento ako sa pagsusulat, pero parang nagkamali yata ako. Ito nga lang post na ‘to patapon, nakakangalawang na yata ang manunulat sa akin. Nakakalungkot, kailangan ko na siyang langisan.

Bilang ito yata ang kauna-unahang post ko para sa taong ito, gagawa ako ng isang serye, isang nobela para sa mga mambabasa ko, para sayo. Ang lakas mo kaya sa akin. Oo na, kasi nga wala naman napapadpad ditong ibang tao. Iiyak na ba ko?

Ang susunod na kwento ay kathang isip lamang, ang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sadya.


MAHAL KITA YATA

Tangina, alas nuwebe na ng umaga, late na naman ako sa klase ko, papasok pa ba ako? E ipapahiya din naman ako ng lecheng prof na yan, kung ano ang matripan yun ang ginagawa, minsan nga pinapasayaw, pinatutula, pinatutugtog at kung minamalas malas ka naman, hindi ka nga pasasayawin o patutugtugin, minu-minuto ka namang tatawagin. E mamatay pa siya, ako kaya ang nagpapasweldo sa kaniya. Sige papasok na nga ako, sayang naman ang tuition na binabayad ng magulang ko ang mahal pa naman mag-aral dito isa pa makikita ko naman ang crush ko pag pumasok ako. Ayun pwede na ‘yong pambawi sa katarantaduhan ng prof ko.

Nagugutom ako, pero kakain pa ba ako? Hindi na ko papasok pag ganun. Wag na lang, mas mabuti ng walang laman ang tiyan, wag lang mawalan ng laman ang utak. Wapak. Pangit, pangit na dahilan, wag na nga ako mangatwiran, oo na, late kasi ako nagising, puyat sa pakikipag-usap sa facebook. Tangina lang, kung may BS Facebook, baka matagal na akong nakagraduate, ang dami ko ng units, ang dami kong time na nilalaan, baka nga PhD na ko kung meron man. Ok, nine thirty na, e eight thirty lang naman ang pasok ko dapat, ayoko nang pumasok, maglalakad muna ko o bibili ng makakain matagal man lang ang amoy ng tulong laway sa akin, maliligo na lang ako mamaya pag-uwi ko sa bahay.

May tumatawag sa cellphone ko, tiningnan ko, si Shane. Wait lang baka may gustong sabihin. Di pa ganoon katagal kami magkakilala ni Shane, siguro mga limang buwan pa lang mahigit pero noong una ko siyang nakita, para bumagal ang takbo ng oras at parang kumanta si Josemari Chan sa tainga ko. Korni pero totoo, sabi ko siya na ba, siya na ba ang hinhintay ko? Siya na ba ang kukumpleto sa buhay ko. Baka siya na. Haaay, kapag naalala ko kinikilig ako. Buo na naman ang araw ko.

----

‘Goodbye, love you.’ Ito ang mga huling salita na sinabi ko kay Paolo bago ko ibaba ang phone. Si Paolo, hindi gwapo pero cute, may sense of humour at may sense kausap. Pero hindi dahil sa mga iyon kung bakit ko siya nagustuhan, di ko rin alam kung bakit, di pa nga ko sure kung gusto ko talaga siya. Pinakilala sa akin siya ng kaibigan ko, common friend namin, siguro mag-aanim na buwan na din iyon. Simula ng una naming pagkikita, lagi na niya ako tintext at kinukulit, ‘yong kulit na cute, basta mahirap ipaliwanag basta ang cute niya. Then isang araw, nagulat na lang ako ang sabi niya gusto daw niya ako. Ako naman nagulat kuwari, alam ko naman dati pa ang obvious kaya. Hala, nakalimutan ko magpakilala, ako nga pala si Shane.

To be continued….


0 comments:

Post a Comment