POSITIVE THINKING WORKS.
Ito yata ang gustong sabihin sa akin ng mundo ngayon, ngayong araw.
Kahapon lumabas ang exam grades namin sa isang major subject ko, inaasahan ko na mababa ang makukuha kong grade sa final exam pero hindi naman ganoon kababa, muntik nang pumasok sa kalendaryo. At malayo siya sa target grade ko para pumasa. Gusto kong umiyak, pero ayaw. Gusto kong sumigaw pero ano pang magagawa ko. Hindi ako kaagad nakatulog...
Hindi ako agad nakatulog kakaisip ng kung ano ano pwedeng mangyari. Hindi pa kasi nilalabas ang final grade. Kinakabahan ako, feeling ko sinasadya ang mga bagay para pahirapan ang mga estudyante specifically ako, para pahirapan ako. Hindi na ako magtataka kung nababaliw ang mga estudyante ng UP. Paano naman kasi ang sistema, mental torture. nahirapan akong makatulog, pilit kong binlanko ko ang isip ko pero kahit pakiramdam ko wala ng nasa isip ko, may kung anong bagay pa rin akong iniisip.
Pag pumasa ako...edi YEHEY! Kayang kaya ko pang grumaduate on time. Kahit delayed na ako dahil sa isang subject na binagsak ko noong 2nd year ako kaya pa namang habulin dahil may summer pa at mag 20 units ako per semester. Kung iniisip mong ikamamatay ko 'to. Oo, maaring tama ka. Nakakamatay ang gagawin kong pagpapahabol.
Pag bumagsak ako...TANGINA THIS. Hindi ko alam kung kakayanin pa ng 5 years, hindi ko pa nakokompyut pero mukhang hindi na. 5 1/2 or worst 6. Sa pagbagsak, ok lang naman sa magulang ko pero magseryoso daw kasi ako sa pag-aaral. Salamat sa kanila, kasi todo suporta pa rin kahit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Sa kabilang banda, feeling ko ang pagbagsak ko dito ay makakabawas ng pressure para sa akin, makakabawas ng pressure na ikamamatay ko sa paghahabol ng mga subjects para grumadweyt on time. Pero isa pang iniisip ko. SHIT, bakit hindi na ba ko babagsak next time? HAAAAY.
PARANG DI KO YATA MAGING POSITIBO. Dumating ang point na ayoko na magdasal kasi hindi naman niya binigay na makuha ko 'yong target grade ko sa final exam, ano pa ang point ng paghingi pa ng isa.
Nakatulog na ako, pero masama ang gising. Iyon kagad ang bumungad sa isipan ko, today is the day, judgement day kung baga. So nagplano ko ng mga bagay bagay ngayong araw para pumatay ng oras. Nagdota ako, nanuod ng movie, naglaba, at naisipan kong gusto ko ng time para sa sarili ko.
So umalis ako ng bahay, pumunta sa razons, kumain ng halo halo habang pinagmamasadan ang mga college students sa lugar namin na kakakuha lang ng class cards, iniisip ko kung bumagsak ba sila o may katulad ba kong sitwasyon. Humahanap ako ng kakampi ko, pero wala. Sarili ko lang kasama ko. Naisipan kong papuntahin ang classmate ko noong elemtary, meron daw kasi siyang isshare, Christian siya, religious topic ang pinag-usapan natin. Mayroon kaming napag-usapan tungkol sa faith without action, and faith is believing, dapat daw iclaim mo na na nakuha mo na ang isang bagay. Sa isip ko mukhang ang hirap naman niyan iapply sa nararanasan ko ngayon. Bumigat lang pakiramdam ko.
Umuwi ako, mayroon akong classmate na medyo alanganin ang grade niya sa isang subject pero postibo pa rin siya na makakapasa siya kahit imposible na talaga ang lagay niya pero hindi niya inisip na babagsak siya, inisip niya na papasa siya. At iyon nga pagtingin niya kanina, pumasa siya. Ang sabi pa niya. "POSITIVE THINKING" Ako: Shit. Paano ako?
May dalawang bagay na umiikot sa utak ko ngayon? what if maging positibo ako, pero ayoko mabigo ulit kasi masakit e. Mabigat sa pakiramdam. Mahirap maghintay ng walang hinihintay, mahirap umasa ng walang inaasahan, mahirap, nakakamatay. Kung tanggapin ko na lang, sa ganitong paraan hindi ako masyadong masasaktan kahit ano man ang mangyayari. PERO WHAT IF POSITIVE THINKING WORKS? Patay.
Conclusion: EXPECT THE WORSE, HOPE FOR THE BEST.
0 comments:
Post a Comment